Sunday, September 11, 2016

HACK LEGENDARY POKEMON


FREE INTERNET FOR GLOBE

Hi. Itry nto tong bagong discover.
Para iwas capping Set up niyo APN niyo.
GLOBE TESTED (same lang to ng MGC pero mas malakas to kesa sa MGC)

Great new apn.

Name: globe or kahit ano gusto mo ipangalan.
Proxy: 188.164.203.26
Port: 80

Feedback na lang and dont forget to hit thank you.
Created to: Mar Raven II

Mabisang Gamot sa Galis Aso o Scabies

HALAMANG GAMOT: KAKAWATE (MADRE KAKAW)

KAALAMAN TUNGKOL SA KAKAWATE (MADRE KAKAW) BILANG HALAMANG GAMOT

Scientific name: Gliricidia sepium (Jacq.) Steud.; Robinia sepium Jacq.
Common name: Kakawate, Madre Kakaw (Tagalog); Gliricidia, Aaron’s rod, St. Vincent’s Plum (Ingles)
KakawatiFlowerInsert
Ang kakawate o madre kakaw ay isang puno na karaniwan sa mga lugar sa Southern Tagalog Region. Ito ay kadalasang nakatanim bilang ornamental dahil sa bulaklak nito na kulay mapusyaw na rosas (pink). Ang bunga nito kahalintulad ng bataw o pods na lumilikha ng tunog kung sakaling matutuyo sa araw.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KAKAWATE (MADRE KAKAW)?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kakawate ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang halamang kakawate ay mayroong formosin, formononetin, gliricidin-6a-gliricidol-9a, medicarpin (pterocarpan), 7,4′-dihydroxy-3′-methoxyisoflavin, 2’O-methylsepiol, tannin, at trihydroxyflavone.
  • Ang kahoy nito ay may taglay na stigmastanol glucoside at 3’4-dihydroxy-trans-cinnamic acid octacosylester 2
  • Ang buong puno nito ay may tannin na mabisang panggamot sa maraming kondisyon.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Karaniwang nilalaga ang dahon ng kakawate upang magamit bilang gamot. Ito ay iniinom nang parang tsaa. Maaari din itong durugin o dikdikin upang ipantapal sa ilang kondisyon sa balat.
  • Balat ng kahoy. Ang balat ng kahoy ay pinakukuluan din upang magamit ang pinaglagaan sa paggagamot.
  • Ugat. Ang ugat, tulad din ng balat ng kahoy, ay pinakukuluan upang magamit ang pinaglagaan sa paggagamot.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG KAKAWATE (MADRE KAKAW)?

1. Dermatitis. Ang katas dahon o kaya ay pinaglagaan nito kasama ng ugat at balat ng kahoy ng kakawate ay mabisa para sa mga kondisyon sa balat tulad ng dermatitis. Ipinanghuhugat lamang ang mga ito sa apektadong balat.
2. Kagat ng mga insekto. Mabisang pantaboy sa mga insekto ang pagpapahid ng dahon ng kakawate.
3. Sugat. Nakatutulong nang malaki sa mabilis na paghilom ng sugat ang dagta na nakukuha mula sa kahoy, ugat, at dahon ng kakawate.
4. Galis. Ang paggagalis sa balat ay maiibsan din ng pagpapahid ng katas mula sa dahon, kahoy at ugat ng kakawate. Maaari din gamitin bilang pampahid ang dinikdik na dahon ng kakawate na hinalo sa langis ng niyog.
5. Impeksyon ng mga organismo sa katawan. Ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kakawate ay mabisang pang alis ng impeksyon ng maliliit na organismo sa katawan gaya ng amoeba.
6. Rayuma. Ang pananakit ng mga kasukasuan ay maaaring maibsan sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng kakawate.
7. Pilay sa paa (sprain). Ipinangtatapal din ang dinikdik na dahon ng kakawate upang maibsan ang pilay sa paa na dulot ng tapilok.
8. Tulo o Gonorrhea. Ang impeksyon ng bacteria na nakaaapekto sa ari ng babae o lalaki ay maari ding magamot ng paghuhugas gamit ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kakawate.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

ANO ANG GAMOT SA SCABIES O KURIKONG?

ANO ANG GAMOT SA SCABIES O KURIKONG?

Ang gamot sa scabies o kurikong ay ang pagpapahtid ng isang lotion gaya ng Permethrin o Ivermectin sa buong katawan, mula leeg pababa, at ang pagpapanatili ng lotion sa balat sa loob ng walong oras. Dahil dito, ang rekomendasyon ay ang paggamit ng lotion bago matulog.
Sa karaniwang kaso ng scabies, isang lagayan lamang ng lotion ay sapat na upang masupil ang sakit, subalit kung malala ang kaso, maaaring ireseta ng doktor ang isa pang pahiran makatapos ang isa o dalawang linggo.
Narito ang mas detalyadong gabay sa paggagamot ng scabies o kurikong:
1. Siguraduhing sapat ang dami ng lotion na ipapahid. Huwag kalimutang isama ang mga lugar gaya ng likod, paa (pati gilid ng mga daliri ng paa), mga daliri, at pati ang ari. Huwag din kalimutan ang mga kilikili, singit, at palibot ng utong.
2. Kung ang may kurikong ay isang sanggol, lagyan siya ng gwantes o mittens para hindi niya madilaan ang lotion. Kung ang may kurikong ay nagpapasuso o breastfeeding, hugasan muna ang mga suso bago magpadede, at mag-apply ulit ng lotion pagkatapos.
3. Hugasan ang mga damit, tuwalya, at mga bedsheets ng may kurikong sa mainit na tubig (lagpas sa 50 C), o kaya ibukod ito sa mga lalagyan ng hindi kukulang sa 72 na oras para mapatay ang mga surot.
Inaasahan na mawawala ang pangangati sa loob ng isa hanggang tatlong linggo. Magpatingin sa doktor kung hindi pa ito nawawala paglampas ng panahong ito.

RETRIEVE FROm : http://kalusugan.ph/ano-ang-gamot-sa-scabies-o-kurikong/